top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung kay Alden, all-out… Movie ni Maine, 'di suportado ng GMA 7

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 22, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Lagare ngayon si Maine Mendoza sa paggawa ng pelikula. Mula sa shooting ng Isa Pa With Feelings nila ni Carlo Aquino, takbo naman siya sa Mission Unsta­pabol nila ni Bossing Vic Sotto.

Dahil sa dalawang pelikula na ginagawa, muling nabuhay ang haters ng Phenomenal Star.

Anila, wala naman daw kaalam-alam sa pag-arte ang dalaga. Dapat daw ay isingit na rin niya ang pagwo-workshop para maging kabilib-bilib ang kan­yang pag-arte.

Maging ang hindi umano pagsuporta ng GMA-7 sa career ni Yaya Dub ay gina­gawang isyu.

“Unfair talaga kay Maine, wala siya masya­dong support from her network unlike Alden, grabe ‘yung promo sa movie niya. Eh, si Maine, wala kang makikita na nag-effort ang network to help her promote. Anyway, marami naman ang nagmamahal kay Maine with or without (GMA support).”

Ipinagtanggol na­man ng maka-GMA-7 ang post.

“Hindi kasalanan ng GMA kung walang promotions kay Maine. Kay Alden, hinaya­an lang nila ang SC sa diskarte nila. Si Maine, talent siya ng APT at Triple A, so dapat sila ang mag-promote nang todo. Nakahanap na naman kayo ng scapegoat sa GMA.”

May mga ganito pang sinasabi na sad­yang malakas nga raw si Maine sa Eat… Bulaga! dahil kahit madalang nang nagpapakita ang rumored girlfriend ni Arjo Atayde ay full support pa rin daw ang EB! sa career ng dalaga.

Super promote nga raw ang Dabar­kads family sa IPWF nila ni Carlo unlike raw noon kay Alden sa Hello, Love, Goodbye.

Well, well, well… sa bagay na ito ay dapat lang naman dahil si Maine ay under management ng APT at Triple A, kaya hindi na questionable ang ganu’ng parte.

While si Alden naman ay exclusively contract ng GMA-7 kaya wala ring problema.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page