top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kasama ang anak abogado pinagbabaril, dedo

  • Gina Pleñago
  • Sep 22, 2019
  • 1 min read

Todas ang isang abogado na retiradong miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang pagbabarilin sa harapan ng kanilang bahay sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Atty. Jesus Acpal, 68, sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa kalibre .45 baril.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng imbestigasyon ang Muntinlupa City Police para sa pagkakakilanlan ng mga suspek. Base sa ulat ng Southern Police District, nangyari ang pamamaril ala-1:05 kahapon ng madaling- araw.

Napag-alaman na kararating lamang ng biktima kasama ang anak nitong lalaki sa harapan ng kanilang bahay, sakay ng itim na Toyota Fortuner.

Habang binubuksan ng biktima ang kanilang gate nang sumulpot ang mga suspek na armado ng baril at pinagtulungang barilin ang biktima. Agad tumakas ang mga suspek na naglakad lamang na parang walang nangyari.

Samantala, isang concerned citizen ang tumawag sa 911 upang ipaalam ang insidente at dito naabutan ng mga pulis ang duguan at wala ng buhay na biktima at nalaman na isang abogado at retired PNP din.

Narekober ang 11 basyo ng cal.45 baril sa pinangyarihan ng insidente, isang fired bullet at isang metallic fragment.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page