Kahit tsinugi… Julie Anne at Rayver, 'Di kawalan sa Studio 7

Dahil parehong nasa Saturday slot ang Studio 7 at The Clash, kailangang iwan na nina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan at Rita Daniela ang pagho-host ng Studio 7.
Sina Julie Anne at Rayver ang tatayong Clash Masters at sina Ken at Rita naman ang magsisilbing Journey Hosts.
Hindi naman ganap na mapipilayan ang The Clash dahil nandu’n pa rin bilang hosts sina Aicelle Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Mikee Quintos, atbp..
Mataas ang expectation ng marami kay Julie Anne bilang Clash Master dahil dati itong puwesto ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Malaking challenge ito kaya naman dapat pagbutihin ng Asia’s Popstar ang kanyang trabaho.
Maging sina Ken at Rita ay masusubok bilang mga Journey Hosts. Sila ang aalalay sa 64 Clashers na maglalaban-laban sa nasabing singing competition.
Ang ilang Clashers ay galing pa sa Mindanao, Visayas, Luzon at Metro Manila. Meron ding Clashers na galing U.S.A..
Mas malaki, mas malawak at mas matindi ang labanang magaganap ngayon sa Season 2 ng The Clash kaya kailangang pumasa ang mga Clashers sa mga hurado na sina Ms. Lani Misalucha, Ai Ai Delas Alas at Christian Bautista. Bukod sa nagtataglay ng magandang tinig, may self-confidence at star factor, dapat na isa ring total performer ang nangangarap maging The Clash champion.





Comments