Bigtime oil price hike.. P2.60 sa gasoline P1.80 Diesel, P1.90 Kerosene

Isang malakihang oil price hike ang inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis simula sa Martes.
Posibleng umabot sa P2.60 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina habang maaaring pumalo sa P1.80 ang dagdag-singil sa diesel habang P1.90 naman sa kerosene.
Ito umano ay resulta ng pagpapasabog sa oil facilities ng Saudi Arabia.
Sa panayam kay Energy Secretary Alfonso Cusi, hindi na nila pakikiusapan ang mga kumpanya ng langis na utay-utayin ang dagdag-presyo dahil kampante silang babalik na sa normal ang suplay ng Saudi sa mga susunod na araw.





Comments