Bakbakan sa MMTCI
- Ding Taboy
- Sep 22, 2019
- 2 min read

Bibitiwan ang PHILRACOM Rating Based Handicap System Race (RBHSR) sa Metro Turf Club Inc. (MMTCI) sa may 12 karera na magaganap ngayong hapon sa Malvar, Batangas.
Kasabay nito, aalagwa ang 2 Condition Race at 10 pakarera ng PHILRACOM ang masasaksihan ng bayang karerista. Sa Race 1, magaganap ang PHILRACOM -RBHSR class 4 pinapaboran ang tatlong mananakbo na Unlimited Song, Goldbar at Laughing Tiger kasabay ng panimula ng 1st Winner Take All. Sa Race 2, nakalalamang ang Jersy Jewel sa kalahok na Boundary at Atikupungsinsing sa Philracom-RBHSR class 5 (11-15) kasabay ng 1 Pick 5 event. Sa 1st Pick 6 sa Race 3, sinisiguro ang Redmond at Spunk Attack na maglalaban sa Philracom-RBHSR class 3.Sa Race 4, nakalalamang ang Batang Bangkal ngunit nagbabanta ang Artistic Star, isama ang Fire Bull, kasabay ng 2nd WTA.
Sa Race 5 nakasisiguro ang Alberto, laban sa mga katunggaling Cassie Dear, Hello Junior at Daangbantayan, kasabay ng 2nd Pick 5. Pinapaboran ang Skymarshall habang nagbabanta ang Tonador Sprinter at Summer Cruise sa Race 6 na simula ng 3rd WTA.
Nakalalamang ang King Poloniuos at makakalaban ang couple entry na Luyang Cave at Calaguas Island at Rosario Princess na umpisa ng 2nd Pick 6 sa Race 7.
Ipinapatok ang Havana Ohnana at Gintong Lawin ang makakalaban sa 3rd Pick 5 sa Condition Race 18 sa Race 8.
Nakalalamang ang Lockdown habang makakalaban ang Happy Maggie at Sure Win sa Race 9 na simula ng Pick 4. Sa Race 10 nakalalamang ang couple entry na Sparmate at Musikera habang tatalunin ng Steadfast of Love. Nakalalamang ang Eugene Onegin habang ang Kapayapaan, WeeMissJerre at Secret Affair ang magkalaban sa unahan sa Race 11.Pandiin ang Mark of Excellence habang ang Rise Up at Likot lang ang maglalaban sa forecast sa Race 12. Tips ni Mang Ding:
Race 1-Unlimited Song (11), Goldbar (9) Laughing Tiger (6) Race 2- Jersy jewel (8) boundary (7) Race 3- Redmond (6) Spunk attack (5) Race 4- Artistic Star (8) Alezzandro (7) Race 5- Alberto (1) Believe me (7) Race 6- Skymarshall (4) Tonador Sprinter (2) Race 7- Entry no. 6 Rosario Princess (4) Race 8- Havana Oohnana (6) Gintong Lawin (1) Race 9- Sure win (4) Lockdown (5) Race 10- Steadfast of love (9) entry no.6 Race 11- Eugene Onegin (6) Kapayapaan (2) Race 12- Mark of Excellence (9) Rise up (6) 1st WTA (1-7) 5-9-10-11/1-8/6-5/2-7/1/4/2-4-6/ 2nd WTA(4-10) 2-7/1/4/2-4-6/8/4-5/6-9/ 3rd WTA(6-12) 4/2-4-6/8/4-5/6-9/6-2/9/ 1st Pick 6(3-8)5-6/2-7/1/4/2-4-6/8/ 2nd Pick 6(7-12) 2-4-6/8/4-5/6-9/6-2/9/ 1st Pick 5(2-6) 1-8/6-5/2-7/1/4/ 2nd Pick 5(5-9) 1/4/2-4-6/8/4-5/ 3rd Pick 5(8-12) 8/4-5/6-9/6-2/9





Comments