top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tatlong sasakyan nagkarambola

Gina Pleñago
Sep 21, 2019
1 min read

Patay ang isang truck driver nang magkarambola ang tatlong sasakyan, kahapon ng madaling- araw sa Makati City.

Dinala ng mga tauhan ng Makati City Rescue at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Ospital ng Makati ang biktimang si Manuel Nebres, ng Sta Rosa, Laguna pero, hindi na rin ito umabot ng buhay sanhi ng matinding pinsala sa ulo at sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sinasabing halos tumagal ng dalawang oras bago nailabas ang biktima sa kanyang minamanehong Isuzu Giga dropside truck na may plakang ACN-5052.

Sa isinumiteng report kay Makati City Police Chief Col. Rogelio Simon, nangyari ang insidente sa Osmeña Highway Flyover southbound, Bgy. Palanan, Makati City, alas-12:36 kahapon ng hatinggabi Habang minamaneho ng biktima ang truck na may kargang buhangin patungo ng Magallanes Interchange nang ito ay maatrasan ng Fuso tractor na may plakang 4852.

Nang mabangga, pumihit naman ang Fuso tractor at tinamaan ang dumaraang container van na may plakang ABR-3274 na minamaneho ni Joemil Pelengco, 37, sa kabilang linya ng kalye.

Dahil sa takot, tumakas ang hindi pa nakikilalang driver ng Fuzo at ang dalawang kasama nitong pahinante.

“Dala ng bigat ng kargang buhangin, hindi na nakayanan ng preno niya,” ani Police Maj. Cosme Tante, Jr. ng Makati City Police Community Precinct (PCP-5).

Patuloy na iniimbestigahan ng mga tauhan ng Makati Traffic Bureau at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng driver na tumakas at posibleng mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page