Nagsauli ng mga gamit at pera.. Airport facility cleaners, kinilala

Binigyan ng komendasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang dalawang manggagawa sa Bohol-Panglao International Airport (BPIA) dahil sa pagiging tapat sa tungkulin.
Sina Lourdes Malou Montalban at Christopher Horcasitas, na kapwa airport facility cleaners sa naturang paliparan ay nagsauli ng smartphone, bag at tatlong pitaka na may cash na P48,940.
Ayon sa CAAP, natagpuan ni Montalban ang smartphone noong June 9, 2019 sa comfort room ng airport.
Binigyan ito ng recognition ng Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP) Tagbilaran Chapter dahil sa kanyang katapatan sa trabaho.
Isa pang BCBP member at Bread’s Edge Corporation President and CEO na si Dr. Ed T. Escalona ay nagbigay sa manggagawa ng Certificate of Recognition and Appreciation.
Samantala, natagpuan ni Horcasitas ang sling bag na may cash kabilang dito ang ilang foreign currencies, government-issued ID cards at mga susi noong September 12, 2019.
Ayon sa CAAP, ang may-ari nito ay nakilalang si Marco Fernando L. Ng na aksidenteng naiwan ang kanyang bag sa isang palikuran ng BPIA.





Comments