top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Mga sumuko sobra-sobra, listahan sablay.. Pagtugis sa mga lumaya sa GCTA, stop

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 21, 2019
1 min read

Umabot na sa 1,950 ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty na sumuko at nasa kustodiya ng Bureau of Corrections (BuCor).

Mas mataas ito sa 1,914 PDL na nasa listahan ng mga heinous crime convict na maagang pinalaya dahil sa maling aplikasyon ng expanded Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa panayam kay Department of Justice Undersecretary Mark Perete, kahit umano ‘yung mga PDL o convict na wala naman sa listahan ay tinanggap pa rin ng BuCor.

Hindi pa umano kasama sa bilang ng DOJ ang mga sumuko na nasa kustodiya pa ng PNP.

Samantala, dahil sobra-sobra ang bilang ng mga surrenderer, ipinatigil muna ng DOJ sa PNP ang pagtugis at pag-aresto sa mga heinous crime convict na hindi dapat nakinabang sa GCTA.

Paliwanag ni Perete, nais muna nilang linisin ang magulong listahan ng BuCor para na rin mapakawalan agad ang mga convict na hindi naman dapat sumuko.

Kaugnay nito, aminado rin ang DOJ na maraming mali sa orihinal na listahan ng BuCor kaya nais muna nilang malinis ang listahan para hindi masayang ang resources ng gobyerno sa pagtugis sa mga indibidwal na hindi naman dapat arestuhin. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page