Masasayang araw noong panahon ni Marcos, binura ng dilawan
- BULGAR

- Sep 21, 2019
- 2 min read
Anibersaryo ngayon ng deklarasyon ng Batas-Militar ni dating Pangulong Marcos.
Ito ay naganap noong panahon ng Bagong Lipunan mula 1972 hanggang 1985!
SECOND YEAR high school ang inyong abang-lingkod nang ideklara ang Martial Law, nagbibinatilyo pa lamang.
‘Current Events’ ang diyaryong binibili na required reading sa social studies subject sa St. Lawrence Academy at ang nilalaman nito linggu-linggo ay bahagi ng quizzes at examination!
UNANG tanong sa eksaminasyon noon: Bakit idineklara ang Martial Law?
Batay sa Current Events student weekly newspaper noong Setyembre, 1972: Idineklara angBatas-Militar dahil sa dalawang tiklop na dahilan: Una, upang sagipin ang Republika at ang ikalawa, upang ireporma ang lipunan!
SA workshop room namin ay may wood carving project at ang napili kong ililok ay ang motto sa Bagong Lipunan: Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan.
Ikalawa, kinopya ko ang disenyo ng malaking posters ng Pepsi ang lakambining walang saplot, pero nakatalikod!
NANG ideklara ang Martial Law, ang aking ama ay nanunungkulang barrio captain at sa bisa ng presidential decree, ang terminong “barrio” ay pinalitan ng terminong “barangay” kaya siya ang unang “barangay captain” sa aming nayon.
Pinakaaktibong ahensiya ng gobyerno noon ay ang Presidential Arms for Community Development (PACD) na pinamumunuan ng batam-batang si Ernie Maceda!
NAGTALAGA si Maceda ng mga PACD field workers upang direktang makipag-usap sa mga barangay captain at maihatid ang serbisyo direkta mula sa Malacañang.
Dito na ipinamimigay nang libre ang “garden kit” para sa Green Revolution ni First Lady Imelda Marcos, kumpleto mula sa garden tools, fertilizers, insecticide at seedlings. Lahat ng barangay ay may greenhouses at nursery, gayundin ang lahat ng eskuwelahan!
KATUWANG ng aking tatang na si Kapitan Sucing ang aking Inang Talia na itinalagang Barangay Nutrition Scholar — nakatutok sa pamimigay ng libreng nutribun, noodles, powder milk, trigo, gamot at bigas na may halong munggo para sa mga paslit na regular na tinitimbang upang makaiwas sa malnutrition!
PERSONAL ding iniabot ng magasawang Marcos sa aking ama ang P5,000 check na maiwi-withdraw lamang kung o-order ng materyales, pero ang barangay captain ang pipili ng proyektong kanyang kursunada.
‘Yan ang unang “pork barrel” parasa barangay captain noong panahonni ex-P-Marcos!
SAPAGKAT mahirap na nayonlamang ang Barangay Longos nakatabi ng Ilog-Balagtas sa Bulacan, ang mga tao rito ay karaniwang walang palikuran (toilet), pumupunta sila sa tulay sa riles ng tren sa ilog at dito nagpaparaos; ang iba naman ay gumagamit ng “pandepot” o papel na pambalot ng etsas, bago paliliparin na binansagang “flying saucers” tuwing umaga at gabi.
Dahil d’yan, ang P5,000 pork barrel ay ginastos ni Kapitan Sucing sa pagbili ng semento, toilet bowl, buhangin, hallowblock, graba at bakal!
ISANG batikang karpintero at mason noon si Kapitan Sucing, bukod sa pagiging mekaniko sa Manlo (Manuel Lopa), Inc. na pagawaan ng tansan saPasong Tamo, Makati.
Ang materyales para sa 100 benepisaryo ng “libreng toilet” ay libre at ang konstruksiyon ay mula sa“balikatan” sa pamumuno ng barangay captain. Marami pang masasayang araw noong panahon ng “Bagong Lipunan”na binura ng dilawan!





Comments