Kulong at multang P300K sa manonood ng child pornography
- BULGAR

- Sep 21, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Maaari bang maparusahan ang taong nanonood ng pornograpiya kung saan mga bata ang bida? — Angela
Dear Angela,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 4 (j) ng Republic Act No. 9775 o mas kilala bilang “Anti-Child Pornography Act of 2009” na:
“Section 4. Unlawful or Prohibited Acts. - It shall be unlawful for any person: xxx
(j) To willfully access any form of child pornography; xxx” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, ang panonood ng child pornography ay maaaring papanagutin sa batas.
Ayon pa sa Section 15, ang kaparusahan para rito ay ang sumusunod:
“Section 15. Penalties and Sanctions. -The following penalties and sanctions are hereby established for offenses enumerate din this Act:
xxx xxx xxx
(g) Any person found guilty of violating Section 4 (j) of this Act shall suffer the penalty of prision correccional in its maximum period and a fine of not less than two hundred thousand pesos (Php200,000) but not more than three hundred thousand pesos (Php300,000); (Binigyang-diin)
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan.
Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito.
Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay.
Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments