top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kontra-korupsiyon sa Customs — P-Digong.. Wala nang brokers!

Mylene Alfonso
Sep 21, 2019
1 min read

Idinepensa ng Palasyo ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang mga brokers sa Bureau of Customs.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang nais lang naman ng pangulo ay magsilbi at protektahan ang taumbayan mula sa mga katiwalian.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na masasawata ang korupsiyon sa BOC kung mawawala umano ang mga brokers sa ahensiya.

Agad naman itong inalmahan ng Chamber of Customs Brokers at sinabing hindi patas ang tila pag single out sa grupo nila sa isyu ng korupsiyon.

Ayon kay CBBI President Adones Carmona, handa silang lumaban para sa kanilang propesyon.

Tugon naman ni Panelo, kahit pa lumaban sila, ang mandato umano ng pangulo ay magsilbi at protektahan ang taumbayan alinsunod sa inatang sa kanyang trabaho ng Konstitusyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page