Kasabay ng World Teachers’ Day.. ₱1,000 kina Ma’am at Sir

Tatanggap ng insentibo ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa kasabay sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day.
Ayon sa DepEd, nagkakahalaga ito ng isang libong piso na ipagkakaloob sa mga guro simula sa Oktubre 5.
Nabatid na ang pagkakaloob ng insentibo ay naging posible sa pamamagitan ng DepEd Special Provision No. 12 sa ilalim ng Republic Act No. 11260 o ang General Appropriations Act of Fiscal Year 2019.
Hindi naman kuwalipikado sa naturang benepisyo ang mga public school teacher na naka-absent without official leave (AWOL) hanggang sa Setembre 30, 2019 at mga taong wala na sa serbisyo hanggang sa nasabing petsa.
Hindi rin kuwalipikado ang mga gurong napatunayang guilty sa isang paglabag na may koneksiyon sa kanyang trabaho mula noong Setyembre 30, 2018 hanggang Setyembre 30, 2019 at ang mga natanggap lamang sa trabaho matapos ang Setyembre 30, 2019.
Sinabi ng DepEd na layon nitong makatulong na mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga guro na labis ang dedikasyon sa trabaho.





Comments