top of page
Pokwang.jpg

Kamukha na raw nina Michael Jackson at Arci Muñoz... Basher kay KC: Hanggang tenga na ang lips mo ka

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 21, 2019
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

P

Photo: @itskcconcepcion

Tuwing may post si KC Concepcion ng latest picture niya sa kanyang IG account ay hindi nagsasawa ang mga bashers na siya’y lait-laitin.

Tulad na lang ng bago niyang post, ang sabi ng basher ay hindi raw maganda ang kanyang picture.

Ayon sa netizen na may user ID na @greatpretender2019 “‘Kala ko si MADAM AURING.

Sa dami ng dagdag mo sa mukha, ang dami mo nang kamukha ‘Michael Jackson, Arci Muñoz.

Ang lips hanggang tenga na, sige, banat at hila pa hanggang umabot ang cheekbones mo sa noo.”

Sagot ni KC, “Nakaka-proud ka ‘te, effort talaga sa pag-enumerate (heartemoji).”

Kung tutuusin, sarcastic ang buwelta ng Mega Daughter sa netizen.

Nakakuha naman ng suporta si KC sa ibang mga netizens at may matinding resbak din sila sa nanlait sa aktres.

“Leave KC alone, basher!! “

“Name pa lang, bongga na sa kasinungalingan.”

“Grabe ka ‘te... God bless you.”

“Matindi ang inggit mo kay KC.”

“Bakit, insecure ka sa ganda at yaman ni KC?”

Kung tutuusin, hindi mapagpatol si KC sa mga bashers.

Dinededma lang niya ang mga ito.

Kaya lang, masama yata ang gising ng celebrity entrepreneur, agad kasi niyang nabasa ang nasabing komento ni @greatpretender-2019.

Sabi kasi ni KC, “‘Yung paggising ko, akala ko, Friday na (crying emoji).

Lord, pahingi kami ng pasensiya, inspiration and lakas kasi ang haba ng week na ito, eh.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page