top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Cone, bagong coach ng Gilas; Final 12 ng women, oks na

  • Alvin Olivar
  • Sep 21, 2019
  • 2 min read

Nais ng Samahang Basketbol ngPilipinas (SBP) na kunin si Barangay Ginebra coach Tim Cone bilang head coach ng Gilas Pilipinas para sa Southeast Asian Games.

Ito ang pinahayag si SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan at president Al Panlilio kahapon at aniya tiwala siya na papayagan si Cone ng kanyang koponan na Barangay Ginebra para pansamantalang humalili para sa SEA Games na gaganapin sa Disyembre.

“We have to choose the coach first. Then the first order is to talk to him if he’s willing himself. I like to imagine he would be. Then we have to talk to San Miguel. I think they will permit him to do that,” wika ni Pangilinan.

Samantala, bigo ang Gilas Pilipinas na maimbitahan sa FIBA Olympic Qualifying Tournament 2020, ang huli sanang pag-asang koponan na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa ulat na nilabas ng FIBA.com ay napangalanan na ang 24 na koponan na mag aagawan sa huling apat na puwesto para sa 2020 Olympics, ngunit sa kasamaang palad ay hindi kasama dito ang Pilipinas.

Tatlong puwesto ang binigay ng FIBA sa Asia/Oceania zone at tanging ang China, Korea, at New Zealand lamang ang naimbitahan dahil sa kanilang magandang world ranking sa FIBA.

Samantala, napangalanan na ang Final 12 ng Gilas Pilipinas Women sa FIBA Women’s Asia Cup na gaganapin sa India mula Set. 24 hanggang 29 sa Bangalore, India.

Ang mga nakasama sa national team ay sina Kelly Hayes, Afril Bernardino, Jack Danielle Animam, Janine Pontejos, Gemma Miranda, France Mae Cabinbin, Danica Therese Jose, Ana Alicia Katrina Castillo, Eunique Chan, Marizze Andrea Tongco, Maria Beatrice Daez at Ria Joey Nabalan.

Ang head coach ng koponan ay si Patrick Aquino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page