Buwayang BGY. officials, extended ang pagiging korup

BUKOD SA KILLER DENGUE AT TIGDAS, PATI POLIO, UMAATAKE NA SA MGA BATA — Makalipas ang 19 taon nang ideklara ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) na polio free na ang Pilipinas, ngayon ay umaatake na naman ang polio virus sa mga bata.
Dahil d’yan, hindi lang killer dengue at tigdas ang umaatake ngayon sa mga bata kundi pati ang polio, tsk-tsk-tsk!
‘Yan ang masamang dulot ng pagtanggi ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa takot sa kontrobersiyang nilikha ng Dengvaxia, period!
◘◘◘
KAPAG ‘NO-EL’ SA BGY. AT SK, HAPPY ANG MGA INCUMBENTS AT LULUGU-LUGO ANG MGA CHALLENGERS — Sa mga nakaraang administrasyon ay palaging may ipinaiiral na Barangay at SK Elections kada tatlong taon, pero ngayong administrasyong Duterte, dalawang beses na itong naipagpaliban at kung maaaprubahan ulit ang pagpapaliban nito sa May 2020 at sa May 2023 na gagawin, ito na ang pangatlong no election sa halalang pam-barangay.
Kapag naaprubahan ‘yan, tiyak na lundagan sa tuwa ang mga incumbent barangay officials at ang lulugu-lugo ay ang mga challengers na gustong kumandidato dahil naalisan sila ng karapatang makapaglingkod sa kanilang mga barangay, boom!
◘◘◘
DAHIL PALAGING ‘NO-EL’ SA BGY. AT SK, BAKA IBASURA NA NG PUBLIKO ANG MGA ‘MANOK’ NI P-DUTERTE SA 2022 ELECTIONS? — Hindi gusto ng mayoryang Pinoy ang madalas na pagpapaliban ng Barangay at SK Elections dahil ang nais nila ay palaging may halalang pam-barangay para makapamili sila ng mga nais nilang mamumuno sa kanilang barangay kada ikatlong taon.
Kaya sakaling no election na naman sa Barangay at SK sa May 2020 ay baka maging sanhi ito upang ibasura ng mamamayan ang mga “manok” ni P-Duterte sa magaganap na eleksiyon sa 2022? Period!
◘◘◘
MGA BROKERS, KASABWATNG MGA SMUGGLERS? — Nais ni P-Duterte na pagbawalan na ang mga brokers na pumasok sa Bureau of Customs para raw maiwasan na ang korupsiyon sa ahensiyang ito.
Kumbaga, parang sinabi na rin ni P-Duterte na ang mga brokers ang kasabwat ng mga smugglers sa Customs,boom!





Comments