5.5 Milyon target na bakunahan kontra-polio
- Jeff Tumbado
- Sep 21, 2019
- 1 min read

Nasa kabuuang 5.5 milyong indibidwal ang target na mapabakunahan ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pagpasok ng polio virus sa bansa.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagdalo nito sa paglulunsad ng programa ng “End Polio Forever in the Philippines” kasama ang Rotary Club District 3780 na pinangunahan ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, District Governor at Chairperson, End Polio Lunch Project.
Ang naturang organisasyon ay siyang magiging katuwang ng DOH para maglunsad ng pagbakuna sa mahigit limang milyong mga bata at matatanda sa buong bansa.
Susubukan umano ni Herrera na mahanapan ng pondong idaragdag sa DOH upang magamit sa anti-polio vaccine program kasunod ng naideklarang outbreak ng nasabing sakit.
Ayon kay Herrera-Dy, emergency na matatawag ang muling pagdami ng kaso matapos ang 19 taong na libre ang Pilipinas sa polio.
Tinukoy ng kongresista na kulang ang alokasyon ng DOH sa anti-polio vaccination program at kailangan ng P800 milyon para maipatupad sa buong bansa.





Comments