Tumanggi sa ‘kalabit’.. Misis, pinatay ni Mister

Napatay sa saksak ng mister ang kanyang misis dahil sa pagtanggi umano na makipagtalik sa kanya sa Sto. Tomas, Batangas.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Juvilyn Lozon sanhi ng tinamong tatlong tama ng saksak sa kanyang katawan.
Agad namang nadakip ng rumespondeng mga tauhan ng Sto. Tomas City Police ang asawa at suspek na si Rodrigo dahil na rin sa sumbong ng kanilang anak sa barangay.
Ayon sa ulat ng pulisya, pinagsasaksak ng suspek ang kanyang asawa sa harap mismo ng isa sa kanilang apat na anak sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. San Roque, pasado alas-9:00 ng gabi ng Miyerkules.
Bago umano nangyari ang krimen, napag-alaman na nais makipagtalik ni mister kay misis bagay na tinanggihan ng huli.
Sa himpilan na ng pulisya inamin ni Lozon ang pangyayari at sinabing sa sobrang selos niya sa asawa at naghihinalang may karelasyon na iba kaya nagawa nito ang krimen.





Comments