top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Stomach Flu, nakakahawa!

Dr. Shane Ludovice, M.D.
Sep 20, 2019
1 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane, Ilang araw nang nagtatae at nagsusuka ang aking 4 years old na anak. Ang sabi sa amin, ito raw ay ilan sa mga sintomas ng stomach flu. Ano ang sakit na ito at ano ang dapat gawin para hindi ito lumala? — Irma

Sagot

Ang viral gastroenteritis ay madalas din tawaging “stomach flu”, pero wala itong kaugnayan sa flu o influenza. Ito ay iritasyon ng tiyan at bituka dahil sa impeksiyong sanhi ng mikrobyo. Karamihan sa mga bata na may viral gastroenteritis ay nawawala rin pagkalipas ng ilang araw nang walang paggamot, pero siyang bantayan dahil ang sakit na ito ay nanganganib sa dehydration.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng viral gastroenteritis:

  • Pagtatae (malambot at basang dumi)

  • Pagkahilo

  • Pagsusuka

  • Pananakit ng tiyan

  • Lagnat

  • Panunuyo ng labi

  • Pananakit ng ulo

Nakahahawa ba ang viral gastroenteritis?

Ito ay nakahahawa dahil ang mga mikrobyo na sanhi ng impeksiyon ay madalas na nagpapasalin-salin. Maaaring makuha ang mikrobyo mula sa pagkain, kagamitan sa pagkain at mga laruan.

Narito ang ilan sa mga maaaring gawin upang hindi ito lumala:

  • Tiyaking mayroong sapat na pahinga

  • Uminom ng maraming tubig o sabaw

  • Maaari ring uminom ng oral rehydration tulad ng pedialyte o oresol

  • Iwasan ang mga inuming matatamis o maraming asukal tulad ng softdrinks o juice

  • Kumain ng masusustansiyang pagkain tulad ng gulay at prutas

  • Ugaliing maghugas ng mga kamay

  • Panatilihing malinis ang lugar kung saan naghahanda ng pagkain

  • Iwasang lumapit sa mga taong may ubo at sipon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page