top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Rapper ng FlipTop.. Loonie, tiklo sa droga

Gina Pleñago
Sep 20, 2019
1 min read

Nahuli ng mga operatiba ng Makati City Police ang isang sikat na rapper na si alyas Loonie at apat nitong kasama sa isang buy-bust operation sa isang basement ng hotel sa lungsod, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Makati City Police Chief Col. Rogelio Simon, ang mga nahuling suspek na sina Marlon Peroramas alyas Loonie, 33, rapper ng FlipTop, may asawa, ng Pasig City; David Rizon, 35; Ivan Agustin, 26; Idyll Liza Peroramas, 28, at Albert Alvarez, 57.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Lt. Jeson Vigilla, sa loob ng basement parking area ng Herald Suites Polaris na matatagpuan sa Bgy. Poblacion sa Makati City, na ikinaaresto ni ‘Loonie’ at mga kasama, alas-8:45 ng gabi.

Binentahan umano ng droga ng grupo ng rapper ang poseur-buyer sa lugar na sanhi ng kanilang agarang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 pirasong selyadong pakete na naglalaman ng kush (high grade marijuana) na may street value na P105,000; anim na P1,000 bill at boodle money na ginamit bilang buy-bust money; mga cellphone, camera, ID at iba pang gamit.

Ang mga nakuhang ebidensiya at mga suspek ay dinala sa Southern Police District (SPD) Crime Laboratory para sa kaukulang pagsusuri.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang mga suspek sa Makati Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page