Jeep tumaob, 14 nadale
- BULGAR

- Sep 20, 2019
- 1 min read

Aabot sa 14 ang sugatan makaraang tumaob ang jeep na sinasakyan nila sa Sablan, Benguet, kahapon.
Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng pampasaherong jeep ang Balluay Road nang dumulas ito sa kaliwang bahagi ng kalsada at tumaob.
Agad namang dinala sa ospital ang mga sugatan.
Samantala, nagdesisyon umano ang mga biktima na huwag nang magsampa ng reklamo laban sa driver at may-ari ng jeep dahil magkakamag-anak sila.
Sasagutin naman ng driver at may-ari ang gastusin ng mga biktima sa pagpapagamot. (BRT)





Comments