top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Setyem­bre 20, 2019 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Sep 20, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Setyem­bre 20, 2019 (Biyernes): Ma­ra­ming biyaya ang mapa­sasaiyo kaysa sa mga ka­biguan mo. Kaya sa timba­ngan ng kapalaran, higit kang masuwerte kaysa sa maraming tao.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magpapatalo sa lungkot. Ka­pag masaya kang mag-isip at kumilos, maglalapitan sa iyo ang malalaking su­werte at ang mga oportu­ni­dad na magbibigay ng yaman sa iyo. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-24-39-42-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakatu­tuwa ang kapa­laran mo da­hil muling lalapit sa iyo ang magagandang kapa­la­ran kahit hindi mo pina­ngarap ang mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-26-27-34-41.

GEMINI (May 21-June 20) – Tulad ng malalakas na ulan, bubu­hos sa iyong harapan ang mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-18-21-35-37.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang makalilimot na magpasalamat sa nasa itaas dahil tulad ng mga araw na ito, ipa­kikita ng langit na ikaw ay muling pagkakaloo­ban ng maga­gan­dang kapalaran. Ma­su­­werteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-24-28-35-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pan­sinin mo, ang mga paa ng tao ay patungo sa harap. Kaya anuman ang nararanasan mo, ipagpa­tu­loy mo ang pagtahak sa landas ng iyong buhay hang­gang sa ikaw ay mag­ta­gumpay. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-8-18-24-29-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magkikislapan ang magagan­dang oportu­ni­dad sa iyong harapan at pu­mili ka ng isa. Huwag kang mag-alala dahil muling ba­balik sa iyo ang iba pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-16-23-25-30-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang malilito dahil marami ang may gusto sa iyo. Piliin mo ang seryoso at umiwas ka sa mga masaya sa big­lang tingin. Mahirap pani­wa­la­­an na malungkot ang ka­ni­lang kasaysayan. Ma­su­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-19-25-39-40-45-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung pa­lagi mong iisi­pin ang sasa­bihin ng iba, hindi ka na sasaya. Hayaan mong sila ang mag-isip nang mag-isip ng tungkol sa iyo at ma­kikita mo na sila ay tiyak na maiinggit. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-20-21-24-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang umasa sa iba dahil mas magandang sila ang uma­­sa sa iyo. Ang tagumpay mo ay nakasalalay sa ma­ra­ming umaasa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-6-15-20-29-34-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Reregalu­han ka ng la­ngit kahit ma­layo pa ang Pasko. At ang nakatutuwa pa, sunud-sunod ang pagdapo sa iyo ng mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-17-24-31-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maliit o malaki man ang mga biya­yang napasasaiyo, magpa­salamat ka sa nasa itaas dahil maraming tao ang pinagdaramutan ng kapa­laran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-14-15-22-25-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka man, ang mga suwerte ay magdara­ti­ngan sa iyo. Ito ay mga premyo mula sa langit da­hil sa kabutihang ipina­kita mo sa tao. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lot­to-5-13-21-25-38-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page