top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Eleksiyon gawing May at October 2022.. Bagong pangulo, bagong barangay officials

  • Mylene Alfonso
  • Sep 20, 2019
  • 1 min read

Iminungkahi ng isang mambabatas na idaos na lamang ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 2022, matapos ang May 2022 Presidential Elections.

Ipinaliwanag ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na kung idaraos ang BSKE sa naturang petsa ay mabibigyan ang susunod na halal na pangulo at mga bagong barangay official ng pagkakataon na magkatuwang sa pagtatrabaho at pagpapatupad ng kanilang mga programa.

Inihalimbawa pa nito na nang maihalal si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 ay inabot pa ng dalawang taon bago nagkaroon ng mga bagong barangay at SK officials para sumuporta sa kampanya ng administrasyon laban sa illegal drugs, kriminalidad at korupsiyon.

Kumpiyansa naman ang mambabatas na magagampanan ng Commission on Elections (COMELEC) nang maayos ang kanilang tungkulin kahit limang buwan lamang ang pagitan ng National at BSKE dahil nagawa naman na nila ito noon.

Samantala, kasalukuyang isinasailalim sa deliberasyon ng plenaryo ang Senate Bill (SB) No. 1043 na naglalayong ipagpaliban ang halalan mula May 2020 hanggang sa matapos ang 2022 Presidential Elections.

Noong Hulyo, naghain din si Go ng SB 201, ang sarili niyang bersiyon ng panukala hinggil sa pagpapaliban ng BSKE sa Oktubre 2022. Gayunman, sa joint hearing ng Senate Committees on Electoral Reforms, Local Government at Finance ay na-consolidate ito sa mga kahalintulad na panukala ng iba pang senador, kabilang ang SB 222, SB 671, SB 869 at SB 875 na nagresulta sa substitute bill na SB 1043.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page