top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Curry at Green, lalaro at babawi sa Olympics

Gerard Arce
Sep 20, 2019
1 min read

Nagpahiwatig ng intensyon ang magka­kamping sina dating two-time NBA Most Valuable Player (MVP) Stephen Curry at All-around player na si Draymond Green na mapabilang muli sa USA basketball team matapos lumagpak sa nakadidis­mayang 7th place finish ito sa katatapos lang na FIBA World Championship sa Dongguan, China.

Nagkusa nang ibigay ng Golden State Warriors team mates ang kanilang serbisyo sa national team kasunod ng pinakamasa­mang performance nito sa World Championship – habang inaasahan na susunod ang iba pang mga manlalaro na sasa­gupa sa Tokyo Olympics a sa Hulyo 24-Agosto 9, 2020.

Ayon sa report ni Marc Stein ng The New York Times, inaasahan na uma­nong sasang-ayon na maglaro ang NBA three-point king at defensive specialist para sa quadrennial meet upang maipag­tanggol ng koponan ang kanilang ika-apat na mag­kasunod na Olympic gold medal sapol ng makuha nila itong muli noong 2008 Beijing Olympics. “

Draymond Green of the Golden State Warriors told CNBC earlier this week that he intended to make himself available for the 2020 Olympics in Japan. Stephen Curry, Green’s Golden State teammate, is also expected to volunteer his services, since Curry has yet to play in an Olympics,” ayon kay Stein.

Aasintahin ng 31-anyos na three-time NBA champion ang kauna-unahan niyang pagsalang bilang parte ng USA Team sa Olympics na maaaring huling partisipasyon na nito sa pambansang ko­ponan.

Tanging nasalihan pa lang niyang koponan ng U.S. ay noong 2014 FIBA World Cup kung saan nanalo sila ng ginto nang tambakan nila ang Serbia, 129-92, kasama sina Kyrie Irving, Klay Thompson Anthony Davis at James Harden.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page