PSC, walang iwanan sa 2020 Paragames
- MC / Gerard Arce
- Sep 19, 2019
- 1 min read

Nakipagkaisa sa Philippine ASEAN Paralympic Games Organizing Committee (PHILAPGOC) ang Philippine Sports Commission nang ipangako ni sports agency Chairman William Ramirez ang suporta ng PSC para sa paglarga ng 2020 ASEAN Paragames na idaraos sa bansa sa Enero, 2020.
Mula Enero 18 hanggang 25, darating ang may 2,500 atleta sa bansa, kasama ang coaches at mga opisyal para sa twin-event ng Southeast Asian Games na idaraos sa Nob. 30-Dis. 11, 2019.
Sinabi ni Ramirez na ang PSC ay maglalaan ng P100-M na pondo sa pag-host at tutulong para sa dagdag na pondo sa iba pang mga kailangan ng Para games.
“We will support them because, like the SEA Games, this is also a national commitment,” saad ng sports chief at aniya inatasan na niya ang Philippine Paralympic Committee sa pamumuno ni Michael Barredo, na magdaos na rin ng eleksiyon sa 2020. “Good governance of sports associations is important, and the PSC will use its supervisory and visitorial rights on these associations to make sure that proper management is in place since public funds are being given to them,” aniya pa.
Ito ang ikalawang beses na magho-host ang Pilipinas ng multi-sports games para sa differently-abled athletes. Noong 2005, ang 3rd edition ng ASEAN Para games ay idinaos sa bansa matapos ang 23rd SEA Games.





Comments