top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lahat daw, may slit… Ai Ai sa Ms. World contestants: Walang dating ang gown ninyo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 19, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Nag-comment si Ai Ai delas Alas sa gown na suot ng mga winners sa katatapos lang na Miss World Philippines. Totoo naman ang kan­yang comment, kaso, meron lang na hindi siya naintindihan, binalikan si Ai Ai at nag-comment ng hindi maganda.

Ipinost ni Ai Ai ang mga photos ng winners kasunod ang kanyang comment: “Ms. World 2019 (CONGRATULATIONS sa MGA NANALO) Nanood ako kahapon ‘di ko lang natapos kasi kailangan kong gu­mising nang maaga, may work ako... Isa lang ang hindi ako maka-move on, bakit parang lahat ng GOWN ng contestants, may slit either sa kanan o sa kaliwa na mala-Catriona (etong pic ‘di ba lahat sila labas ‘yung hita nila), mga 80% ng gown, ganu’n. Bakit? Iba-iba naman ang designer... basta weird talaga.

“‘Yung ibang gown tuloy, parang hindi lumabas na maganda kasi ‘di naman swak ‘yung may slit, parang ipinipilit lang lag­yan — iba kasi ‘yung kay Catriona, tala­gang swak ‘yung dating sa kanya... Dito parang nakakalito... #sawalo6angmayslit #nakakalitonggown #lahatnalangmayslit #pwedenamangwalanon.”

Magsisimula na ang The Clash kung saan isa si Ai Ai sa The Clash Panel kasama sina Lani Misalucha at Christian Bautista. Sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ang Clash Masters at sina Ken Chan at Rita Daniela ang Journey Hosts.

Si Louie Ignacio naman ang director ng The Clash.

May special participation din si Ai Ai sa Backyard Productions movie na Kiko en Lala, ang launching movie ni Super Tekla, kaya thankful sa kanya ang comedian.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page