top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Metropolitan Theater, ibalik na sa Maynila!

Isko Moreno
Sep 19, 2019
1 min read

Malugod tayong nananawagan sa Government Service Insurance System (GSIS) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na ibalik na lamang sa Maynila ang pag-aalaga at pangangasiwa ng Metropolitan Theatre na matagal nang napabayaan at tila napagtampuhan na ng panahon.

Ibigay man nila sa amin, may bayad o wala dahil nakapanghihinayang na ilang taon na itong nakatengga imbes na pinakikinabangan ng mga kababayan natin.

Government-to-government na transaksiyon ang mangyayari kaya umaapela tayo sa pamunuan ng nasabing mga ahensiya na hayaan na tayong pangasiwaan ito.

Kung hindi ninyo kayang ayusin at i-maintain, ibigay n’yo na lang para kami na ang magme-maintain.

Napapanahon na muling buksan ito at mapakinabangan hindi lamang ng mga taga-Maynila kundi ng buong sambayanan.

Puwede itong gamitin sa pagpo-promote ng ating kultura at iba pang pangangailangan ng mga eskuwelahan at estudyante.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page