Mag-asawa timbog sa droga

Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang Swiss national at asawa nito ang arestado sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang mga naarestong suspek na sina Roger Rolf Walker alyas Kano, 50; asawa nitong si Rebecca alyas Bek, 50, at Regina Tambaque, 46, ng Bagong Barrio, Bgy. 155.
Alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo at PCP-1 sa pangunguna ni P/Capt. Jeraldson Rivera ang buy-bust operation kontra sa mag-asawang Walker sa kanilang bahay.
Nang iabot ng mag-asawa ang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P200 marked money, agad dinamba ang mga ito, kasama si Tambaque na naaktuhang may hawak na improvised plastic tube pipe.
Ani Caloocan Police Deputy Chief for Administration PLt. Col. Ferdie del Rosario, nakuha kay Rebecca ang isa pang sachet ng shabu habang nakumpiska naman kay Roger ang buy-bust money at nasamsam sa loob ng bahay ang isang bukas na sachet ng shabu at ilang drug paraphernalias.
Timbog din sa buy-bust operation sa Bgy. 69, Caloocan alas-12:30 ng hatinggabi ang umano’y notorious drug pusher na si Rennel Buton alyas Bebe, 21, at nakuha sa kanya ang P200 buy-bust money at apat na sachets ng shabu.





Comments