Lolo tinepok ng riding-in-tandem
- Pabs Hernandez III
- Sep 19, 2019
- 1 min read
Ilocos Norte—Patay ang 80-anyos na lolo nangpagbabarilin hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Lubigan, Badoc.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Rufo Polendey, residente ng Bgy. Alay sa nabanggit na bayan.
Batay sa imbestigasyon, habang minamaneho ni Polendey ang kanyang motorsiklo at angkas ang kanyang live-in partner na si Amy Alcovendas ay dinikitan ito ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril sa ulo ang biktima.
Nabatid na hindi naman binaril ng mga suspek si Alcovendas.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.





Comments