top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Isinanlang baril binusisi, nakalabit.. Bebot, sapol sa tiyan

Madel Moratillo
Sep 19, 2019
1 min read

Sugatan ang isang babae matapos pumutok ang baril na isinanla sa kanila at tamaan siya sa tiyan sa Pasig City, kamakalawa.

Ginagamot sa Pasig City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Fe Lagartos, 30, residente ng Bgy. Manggahan.

Ayon sa Pasig City Police, alas-3:20 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Kauuwi lamang umano ni Panlilo Garcia, live-in partner ng biktima nang madatnan niyang sugatan ang kinakasama kaya dinala ito sa pagamutan.

Ayon umano sa biktima, binubusisi lamang niya ang hindi pa tinukoy na kalibre ng baril.

Gayunman, aksidente nitong nakalabit ang gatilyo at tinamaan siya sa tiyan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na isang alyas Amy Tomboy ang may-ari ng baril at isinanla lamang ito kay Garcia nang mangailangan ng pera.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page