Hip Hop at Cheerdance competition bagong putahe sa 50th WNCAA


Bilang matatag na liga ng mga kababaihan, lumawig pa ito at nagdagdag pa ng mga sports na hip hop at cheerdance/ cheerleading competition na ipakikita sa pagbubukas na ika-50 taon ng Women’s National Collegiate Athletics Association sa Sabado sa MOA Arena kung saan, 15 mga kolehiyo at unibersidad sa Maynila ang kalahok sa liga kasabay ng pagbibigay-pugay sa kanila sa 5 dekadang pagsuporta.
Sa opening ceremony ng WNCAA na may temang @50Destined For Greatness ay magkakaloob ng recognition sa 19 na mga atletang namayani noong dekada 70 at 80.
Ayon kay executive director Vivian Manila, ang mga schools na kalahok ay ang Assumption-Antipolo, Assumption College San Lorenzo, Centro Escolar University, Chiang Kai Shek College, DLSU-Zobel, La Salle Antipolo, Miriam College, Philippine Women’s University, Saint Jude Catholic School, San Beda College-Alabang, St. Paul College Pasig, St. Scholastica’s College, St. Stephen’s High School, University of Asia & the Pacific, University of Makati pero hindi kalahok ngayon ang UST-Angelicum College.
Ang iskedyul ng laro sa basketball at volleyball ay tuwing Sabado at Linggo para sa Midgets, Seniors at Juniors.
Itatampok din sa kompetisyon ang mga larong futsal, badminton, tennis, poomsae at softball na tatagal ang mga laro hanggang sa Nobyembre. (MC)





Comments