Dalawang pulang kama,sign na tanggap na ang mangyayari sa mister na may taning ang buhay
- BULGAR

- Sep 19, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Jocelyn ng Jocelyn_Snyder@facebook.com
Dear Professor, Na-diagnosed ng Stage 4 lung cancer ang mister ko at ngayon ay bedridden na siya. Gayundin, tinaningan siya ng doktor nang dalawang linggo. Nanaginip ako na may dalawang pulang kama na idineliber sa bahay namin. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!
Naghihintay, Jocelyn
Sa iyo Jocelyn, Ang dalawang pulang kama ay nagsasabing, tanggap mo na kung ano ang mangyayari sa asawa mo.
Ibig sabihin ng isang kama, magpapatuloy ang buhay mo anuman ang mangyari sa kanya. Ang ikalawang kama ay nagsasabing, kung puwede ay huwag ka nang istorbohin ng asawa mo kung sakaling tuluyan na siyang mamayapa.
Ang sinabi ng doktor na dalawang linggo ay hindi eksaktong 2 weeks, sa halip, isang buwan o higit pa.
Kung ang asawa mo ay may mga instrumento sa katawan para ma-maintain ang kanyang life force, aabot pa siya ng maraming buwan at bibigyan ka ng karapatan ng doktor kung kailan aalisin ang mga instrumento.
Gayundin, kung susuriin ang iyong panaginip, masasalamin na muli, tanggap mo na ang anumang kahihinatnan ng mister mo kaya hindi mo na pahahabain pa ang kanyang paghihirap.
Ang madalas nating naririnig na “to die is to rest” ay maluwag mong matatanggap.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments