top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Buking sa text, may kinatagpo.. Transwoman kinatay

  • V. Reyes
  • Sep 19, 2019
  • 1 min read

Patay matapos mapuruhan ng taga sa leeg at saksak sa kanang mata ang isang transgender woman sa Bolinao, Pangasinan nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Jestoni ‘Jessa’ Remiendo, 29, residente ng Bgy. Pangasinan, Alaminos.

Una nang natagpuan ang bangkay ni Remiendo na duguan sa dalampasigan ng puting buhangin sa Valdevia Resort sa Bgy. Patar.

Bago ito, nabatid mula sa United Pangasinan Association of LGBTQIA+ Inc. na nakipag-inuman pa umano si Remiendo noong Lunes ng gabi sa mga kasamahan sa trabaho sa resort.

Nagpaalam lang umano ang biktima na bibili ng sigarilyo ngunit, hindi na siya bumalik hanggang sa madiskubre kinabukasan ang kanyang bangkay.

Arestado naman ang dalawang suspek na nakilalang sina Isagani Dollaga at Michael Orpano matapos ang follow-up operation ng pulisya.

Ayon kay P/Major Dennis Cabigat ng Bolinao Police, naka-text pa ng biktima ang mga suspek bago nangyari ang krimen.

Lumalabas na matagal nang kakilala ni Remiendo ang mga suspek at posibleng pinagplanuhan ng dalawa ang pagpatay sa biktima.

Sinampahan na ng kasong murder sina Dollaga at Orpano habang patuloy pang sinisiyasat ang motibo ng krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page