top of page

Mga paraan para malabanan ang takot sa pagsakay sa Eroplano

  • Justine Daguno
  • Sep 19, 2019
  • 2 min read

Bawat isa ay may kani-kanyang ki­natatakutan. May takot sa multo o phas­mophobia, sa madidilim na lugar o nyctophobia, sa dugo o homophobia, mapag-isa o autophobia at marami pang iba. Gayundin, mayroon tayong kani-kanyang paraan para labanan ito.

Isa sa mga ‘common phobia’ ang aviophobia o ‘yung kondisyon kung saan ang tao ay nakararamdam ng pagkabalisa kapag sumasakay ng eroplano dahil may takot sila sa ‘paglipad’.

Kung kabilang ka o may kakilala kang mayroong aviophobia, makatutulong ang ilang parang ito para ma-conquer ang ‘ika nga ay ‘fear of flying’.

1. IWASAN ANG SOBRANG PAG-IISIP. Imbes na mag-isip ng mga bagay na hindi pa nangyayari, ibaling ang atensiyon sa ibang bagay tulad ng panonood o pagbabasa ng mga nakatatawang video o memes sa so­cial media. Anuman ang maisip mong ga­win, tandaan mo na kailangan mong ma-distract, pansamantala. Bagama’t, hindi maiiwasang maging negatibo, huwag hayaang malunod ang sarili rito.

2. TANGGAPIN ANG TAKOT. Ba­go ang flight, humanap ng pagkakataon kung saan puwedeng makahinga at mapakalma ang sarili. Sabihin sa sarili na, “okay lang ma­­takot at maging hindi komportable.” Ma­katutulong ang paulit-ulit na pagsasabi nito upang kumalma ang sarili hanggang sa ma­tapos ang biyahe.

3. GUMAMIT NG CALMING TECHNIQUE. Walang tama o maling pa­raan para mapakalma ang sarili. May ilan na nakikinig ng music, kumakanta, nagdarasal at iba pa. Ito ‘yung paraan nila para kahit paano ay mawala ang kanilang pagkabalisa. Kung may mga bagay nang nasubukan noon, puwedeng gawin ulit ito.

4. HUWAG UMASA SA ALCO­HOL. Karamihan sa atin, sinusubukan ang pag-inom ng alak para lumakas ang loob, pero hindi ito makatutulong sa ganitong sitwasyon. Kapag mayroon namang iniinom na gamot para rito, okay lang, pero sigu­raduhing huwag sobrahan at sundin ang inireseta ng doktor.

5. IPAGBIGAY-ALAM SA MGA FLIGHT ATTENDANT. Huwag mahi­yang ipaalam sa mga flight attendant na mayroon kang aviophobia. Mayroon silang sapat na training para i-handle ang mga taong nakararanas ng ganitong kondisyon. Maka­bubuti ito nang sa gayun ay mabawasan ang iyong iniisip dahil alam mong may aalalay sa iyo hanggang sa matapos ang biyahe.

Sa totoo lang, hindi lahat ng problema ay madaling solusyunan, lalo na kapag may­roon itong malalim na dahilan, pero tandaan na hindi ito dapat maging excuse para hindi gawin ang isang bagay.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page