12th win, kakabigin ng SBC vs. JRU; Elite talo

Kukunin ng defending champion San Beda University ang kanilang ika-12 sunod na panalo sa pagbabalik ng aksyon sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre ngayong Huwebes. Sisikapin ng Jose Rizal University na maging unang koponan na makakatalo sa kampeon ng 2:00 p.m.
Tiyak na kailangang mag-doble kayod ang mga Heavy Bombers na may kartadang 4-7 panalo-talo.Nagwagi ang Red Lions, 74-52, sa kanilang huling tapatan noong Hulyo 12 subalit malaki na ang binago ng JRU dahil nagamay na nila ang sistema at patakaran ni Coach Louie Gonzalez.
Depensa ang susi sa unang 11 tagumpay ng Red Lions kung saan 61.2 puntos lang ang nagagawa ng kanilang mga kalaro.
Pagdating sa opensa, tinatambakan sila sa average na 19.1 puntos.Sa 2nd game, mahalaga para manalo ang season host Arellano University (2-9) at University of Perpetual Help System-Dalta (3-7) kung nais nilang manatiling buhay para makapasok sa Final 4.
Dikit ang kanilang unang laban noong Hulyo 30 kung saan lumusot ang Altas ng 2 puntos sa Chiefs, 75-73.
Aaabangan dito ang tapatan ng dalawang maitinik na beteranong gwardiya na sina Kent Salado ng Arellano at Edgar Charcos ng UPHSD.
Magiging mainit din ang bantayan sa ilalim ng mga malalaking sina Justina Arana ng Chiefs at Benedict Adamos ng Altas.
Samantala, tinalo ng Chiba Jets ang Blackwater Elite sa tambak na iskor na 109-69 kahapon sa idinaraos na East Asia Super League sa Macao, China.





Comments