Pipirma sa Kontrata ng Chinese Telco, tagilid sa pagtataksil sa bayad
- BULGAR

- Sep 18, 2019
- 2 min read
Ibinabala ang masamang epekto ng pagkuha sa China-backed Telco sa seguridad ng bansa.
Naloko na!
◘◘◘
MABA-BLACKMAIL ang Pilipinas ng China kapag itinayo rin ang mga tower at control center ng “Mislatel” sa loob ng bisinidad ng mga kampo ng militar.
Kumbaga, nasakop na ng China ang “war room” ng AFP nang walang kalaban-laban!
◘◘◘
DALAWANG bagay ‘yan, “nasakop” ba o ibinenta ang soberanya ng Pilipinas sa kamay ng mga mananakop ng West Philippine Sea (WPS)?
Maaaring maging malaking isyu ito o “dambuhalang kaso” matapos ang termino ni P-Digong!
◘◘◘
TIYAK na gagamitin ang isyung ito ng mga kalaban ng Malacañang.
Kapag nawala na sa posisyon si P-Digong, matutulad ito sa mga kontrata ng China na “itinigil at ibinasura” tulad ng ZTE deal at Northrail Transit!
◘◘◘
MAAARI rin makasuhan ng “treason” o pagkakanulo ang mga ehekutibo na pipirma sa kontrata sakaling makarating sa Korte Suprema ang kaso at paboran ang mga petitioners.
Walang duda, may ilang grupo na hihingi ng opinion sa Kataas-taasang Hukuman!
◘◘◘
DAPAT umiwas sa ganitong kontrobersiya ang kroni ni P-Digong na si Dennis Uy kung nais niyang maging pangmatagalan o nais niyang magtagumpay ang ikatlong telco.
Hindi dapat ginagamit ni Uy ang koneksiyon sa Malacañang upang makontrol ang telekomunikasyon ng bansa!
◘◘◘
MAS mainam ay mailayo ang ikatlong telco sa ganitong klase ng pulitika o kontrobersiya.
Maaari ring samantalahin ng kakumpitensiyang dalawang dambuhalang telcos ang “patriotism” upang magkaroon ng kakampi sa pagdiskaril sa operasyon nito.
Kasangga ng dalawang telcos ang U.S., Europe at mga kaalyado nito laban sa ikatlong telco ng bansa!
◘◘◘
ANG ating opinyon ay nagpapaalaala lang sa diskarte ng ikatlong telco na gamitin ang poder ng Malacañang upang madaig ang kakumpitensiya na dalawang big time telecoms.
Pero, ‘yan mismo ang magiging “multo” sa kanilang likuran matapos ang termino ni P-Digong.
Maunawaan sana ito ng mga kinauukulan!





Comments