top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga pulis, kasabwat ng drug Queen sa Maynila sa pagre-recycle ng droga

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 18, 2019
2 min read

Wala raw alam si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa kasunduang pinasok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ikatlong telco na pagmamay-ari ng malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Dennis Uy.

Magtatayo umano ang nasabing telco ng mga pasilidad at imprastruktura sa loob ng mga kampo ng AFP. Hindi raw alam ni Sec. Lorenzana ang tungkol sa ganyang kasunduan kaya minabuting magkaroon ito ng masusing imbestigasyon.

Samantala, nagkomento rin siya tungkol sa mga POGO at dumaraming manggagawang Chinese na nagtayo ng kanilang komunidad malapit sa mga kampo. Gayunman, nakapagtatakang hindi alam ng kalihim ang nagaganap sa kampo ng militar?

Ano ang mangyayari sa imbestigasyong ‘yan? May nangyari ba sa komento ni Sec. Lorenzana tungkol sa mga POGO? Mababawi pa kaya ang kasunduang ‘yan kung ang negosyante ay malapit sa pangulo? Siguradong alam ni Pangulong Duterte ang kasunduang ‘yan, pero wala tayong narinig na angal mula sa Palasyo. Hindi na tayo nagtataka kung ang resulta ay walang dapat alalahanin ang bansa. China ang kasosyo kaya okay lang ‘yan, hindi ba?

◘◘◘

Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, may “drug queen” sa Maynila na binibili umano ang mga nakumpiskang illegal drugs mula sa mga pulis o sa madaling salita, inire-recycle!

Mahuhuli ang illegal na gawain, pero babalik din ulit sa ‘merkado’ dahil ibinebenta raw ito ng mga pulis. Inamin nilang hindi pa nahuhuli ang “drug queen” na posibleng nabulungang may nakahandang operasyon laban sa kanya. Kaya kailangan pa raw makakalap ng impormasyon para magkaroon muli ng operasyon.

Pero, bakit hindi rin sila gumawa ng operasyon laban sa mga pulis na nagbebenta ng mga nakumpiskang illegal drugs? Kung walang mabibili ang “drug queen”, walang maibebenta. Hindi ba, mas mahalagang matigil ang pinanggagalingan kaysa sa pinupuntahan? Kung alam nilang ibinebenta ng mga pulis, dapat alam din nila kung sinu-sino ang mga ito, hindi ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page