Mga lumaya dahil sa GCTA.. 658 convicts, hawak na ng BuCor
- Gina Pleñago
- Sep 18, 2019
- 1 min read

Tumaas na sa 658 inmates ang nasa pangangalaga ng Bureau of Corrections (BuCor) na kabilang sa napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Sa inilabas na datos ni BuCor Spokesperson Sonny del Rosario, nasa 360 ang nasa pangangalaga ng New Bilibid Prison (NBP) sa minimum security compound sa Muntinlupa City.
Umabot naman sa 19 babaeng inmates ang nasa Davao Prison & Penal Farm, Correctional Institution for Women. Habang 131 lalaking inmates ang nasa Davao Prison Penal Farm.
Nasa 43 inmates naman ang nasa San Ramon Prison & Penal Farm sa Zamboanga City habang 28 inmates sa Sablayan Prison & Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Sa Leyte Regional Prison 20 at nasa 48 Iwahig Prison & Penal Farm, habang nasa 9 naman na babaeng inmates ang nasa Correctional Institution for Women.
Ani Del Rosario, ang naturang bilang na mga bilanggo ay kusang sumuko matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 15 days ultimatum para sumuko ang mga napalayang preso sa ilalim ng GCTA, partikular ang may kasong heinous crime.





Comments