Karamihan mga guro.. Jeep bumulusok sa bangin, 20 nadale

Nasa 20 katao ang sugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyang pampasaherong jeep sa Bgy. Cagbulacao, Bacacay, Albay.
Ginagamot sa iba’t ibang ospital ang mga pasahero na karamihan ay mga pampublikong guro.
Ayon kay Major Dexter Panganiban ng Albay Provincial Police Office, patungo sa paaralan ang mga biktima na nasa islang sakop ng Bgy. Cagbulacao nang maganap ang insidente. Pagewang-gewang umano ang jeep hanggang sa mapaatras sa paakyat na bahagi ng kalsada bago nahulog sa bangin na may sampung metro ang lalim.
Pansamantala munang sinuspinde ng Department of Education (DedEd) Bicol ang klase sa paaralan kung saan nagtuturo ang mga guro.





Comments