top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Horoscope | Setyem­bre 18, 2019 (Miyerku­les)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 18, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Setyem­bre 18, 2019 (Miyerku­les): Unahing mong paunla­rin ang buhay mo kaysa sa iba na ginagamit lang ang iyong suwerte. Maa­aring hindi mo alam pero, ikaw ang tagapagbigay ng su­werte sa maraming ni­lalang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Matigas na ba­gay, puwedeng metal, bato o kahoy ang iyong pinaka­mabisang pampasuwerte ngayon. Kapag nahawa­kan mo lang kahit ano sa mga ito, gagana na ang su­werte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-20-24-31-33-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakikita ng tao ang pi­nakamagan­dang dapat gawin kapag siya ay kalmado. Kontro­lin mo ang iyong emos­yon nang sa gayun ay maging kalmado ka sa lahat ng sandali. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-2-17-21-28-36-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Bagay na may kislap ang iyong pampabuwe­nas at dalhin mo ito kahit saan ka magpunta. Magu­gu­lat ka at magkikislapan sa iyong harapan ang mga suwerte mo. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-25-33-38-45.

CANCER (June 21-July 22) - Lihim kang ngu­miti ka­pag pinagkakitaan ka ng hindi maganda ng sinumang ginawan mo ng mabuti. Ang kondisyon ba­go suwertehin ay ang hindi pagpapasalamat ng iyong tinulungan. Masu­wer­­teng kulay-beige. Tips sa lotto-13-18-20-36-41-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag mong ha­bulin ang mga lumayo sa iyo dahil siya ang dapat bu­malik. Tulad ng ibong hin­di pinahalagahan ang mata­mis na prutas na dala niya sa kanyang paglipad, siya ay babagsak. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-15-21-24-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pagsikapan na ayusin ang buhay ng isang tao. Masa­sa­yang lang ang mga araw mo. Hindi ka niya pakiking­gan dahil magpapatuloy ang katigasan ng kan­yang ulo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-29-30-32-33-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong magsuot ng mga lumang damit dahil ang pampa­bu­­wenas mo ay ang mga kasuotang hindi pa kupas ang kulay. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-27-33-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka ayon sa iyong plano at huwag kang kikilos kapag wala kang plano. Masasayang ang mahahalagang araw ng mga taong walang pla­no sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-24-25-34-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiikot ang mundo at walang maga­gawa ang tao. Pero, ikaw ay may kakayahang pai­kutin ang kahit sino. Ga­win mo at makikita mo na ang malalaking paki­na­­bang ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-16-17-22-25-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatu­tuwa ang ka­pa­laran mo dahil kahit magkamali o kahit wala kang gawin, ang magagandang kapalaran ay himalang magsisilapit sa iyo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-5-17-20-25-26-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang pagaga­mit dahil ma­ganda na ikaw ang mang­gamit. Hindi ka kasang­ka­pan pero ang kapwa mo ay puwedeng maging ka­sangkapan para mapaki­nabangan mo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-26-34-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo kai­langan ang payo dahil sa­pat ang mga karanasan at natutunan mo sa bu­hay para mapaunlad ang iyong sarili. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-13-18-33-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page