top of page
Pokwang.jpg

'Di raw rumerespeto sa senior star na tulad niya… Jed naimbiyerna, ibinlind item ang Young Star

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 18, 2019
2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi nais ni Jed Madela ang magka­roon ng kaaway sa showbiz lalo na sa mga young artists.

Sa kanyang IG account, sinabi ng WCOPA champion na sobra niyang na-appreciate ang mga kabataang artists na nagpapakita ng respeto sa mga senior stars.

Sa ABS-CBN Ball nu’ng September 14 na ginanap sa BGC-Shangri-La Hotel, na-appreciate raw ng singer ang mga kabataang artists na bumati sa kanya nu’ng sila’y nagkasalubong, lalo na ang gesture sa kanya ni Vivoree Esclito.

Kuwento ni Jed, nasa labas na siya ng hotel at hinihintay ang kanyang sa­sak­yan nang makita siya ni Vivoree. Agad daw iniwan ng young actress ang mga fans at lumapit sa kanya.

“She’s asking me if I enjoyed the ball last night. That small gesture coming from the young artist that says a lot about a person is nakatataba ng puso. Thank you, Vivoree, I appreciate that.”

Hindi ru’n nagtapos ang komento ni Jed. May pahabol pa siyang naalala. Nagsasayaw daw sila sa dance floor at may mga sikat na young ones silang nakasabay magsayaw.

Lumapit daw ang tatlo sa kanya at bumati, pero ang isa ay dedma lang at patuloy na nakikipagsayaw habang ang kanyang RBF (Resting B**tch Face) ay nagniningning na naka­tingin lang sa kanya.

Ayaw sabihin ng si­nger kung sino ang kan­yang tinutukoy sa soc­med.

“Unless na close tayo.. hahaha!” sabi lang ni Jed.

Dahil sa post ng si­nger, nakatanggap siya ng pam­ba-bash ng mga bashers.

Sabi ng ilang neti­zens, “‘Di porke’t ‘di ka pinansin, masama na ang ugali. May ibang tao, sadyang mahiyain lang talaga... or wala lang ta­laga silang paki kahit si Jed Madela ka pa, ha­ha­ha!”

“Baka hindi ka ki­lala. Lol.”

“Oh, who do you think you are, dear Jed?”

Eto naman ang komen­to ng isang netizen sa si­nger.

“Jed is disappointed because he likes to expect too much of everyone, he thinks too highly of himself and just expects a certain high level of treatment (hence the level of his disappointment). Nga­yon, gusto ni­yang ma-bash ‘yung ‘isang hindi pumansin’ sa kanya, for what??? Para ma-satisfy ‘yung ngitngit niya dahil hindi siya pinansin???”

Dinepensahan naman si Jed ng isang netizen.

“Tama si Jed, dapat marunong ru­mes­peto ang younger talents sa seniors nila. Maliit lang ang indus­triya, hindi mo alam kung baka makasama mo sila sa trabaho in the future.”

“Ganon na ba kahirap ngumiti, wave a little, or say hello to your colleagues? Para ano pa na nag-showbiz?”

Jed, fyi lang, millennial na ngayon ang henerasyon kung saan karamihan sa mga kabataan ay nakalilimutan na ang moral values. Tama ba ako, my dear editor, Janiz? (Well, sentiments ni Jed ‘yun at kara­patan niyang i-post sa socmed account niya. Hindi naman niya pi­na­ngalanan kaya walang issue at all. Pero next time sigurong dedmahin uli siya, siya na ang bumati at mag-adjust kesa maim­biyerna siya! Hahaha! — JDN)

Anyway, deleted na ang post ni Jed sa IG.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page