top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

SJ Knights at Davao Tigers, magpapatatag sa top spot

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 17, 2019
1 min read

Pakay magsalo ng San Juan Knights at ng Davao Occidental Tigers sa top spot sa sandaling makaharap ang kani-kanilang mga karibal sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season ngayong Martes sa Angeles City University Foundation Arena sa Pampanga.

Ang Knights na lider sa North Division ay sasagupa sa host Pampanga Giant Lanterns ng 8:30 p.m. ha­bang ang Tigers, ang South division pacesetters ay babanat sa Bicol Volcanoes ng 6:30 p.m.

Kukumpleto sa triple­header ay ang bakbakan ng Imus Bandera-Basilan Steel ng 4 p.m. Sa ilalim ng magan­dang record, bahagyang paborito ang Knights na nagkampeon noong MPBL Datu Cup kontra Giant Lanters at nasa magandang 12-win, 1 loss card.

Pareho rin iyan sa Tigers na may hawak na 11-2 slate na pamumunuan ni double-ouble specialist Mark Yee kontra Volcanoes, isa sa anim na expansion teams sa may 31-team league. Ang San Juan at Davao Occidental ang namayani sa huling mga laro kung saan tinalo ng Knights ang Marikina Shoemasters, 87-73 at pinaamo ng Tigers ang General Santos Warriors, 84-75.

Ang San Juan ay palala­kasin ni dating professional player John Wilson, Larry Rodriguez at rising star Mike Ayonayon kontra Giant Lanterns, na may ipinagma­malaking 9-4 card sa likod ng tandem nina Michael Juico at Mark Cruz. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page