Misis kinatay ni mister
- Levi Gonzales
- Sep 17, 2019
- 1 min read

Isang ginang ang natagpuang wala ng buhay matapos umanong pagsasaksakin ng kanyang mister sa Bgy. Sta. Maria, Sto. Tomas, Batangas.
Alas-2:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Juvy Lozon, 33, na tadtad ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nagtalo umano ang biktima at ang suspek na si Rodrigo Lozon, 57, garbage collector, sa hindi pa malamang kadahilanan.
Sa follow-up operation ng pulisya agad din nadakip ang suspek at narekober sa kanya ang dalawang patalim na ginamit sa pagpatay sa biktima.





Comments