top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Minalim at Fire dancer

  • Ding Taboy
  • Sep 17, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Sa kabila ng masungit na panahon nagbigay ng magan­dang dibidendo sa Winner Take All, pick 6, pick 5 kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six sa karerang naganap sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Masasabing tagumpay ang isinagawang charity race ng Philracom ang Manila Horsepower Special Race (in memory of Comm. Wilfredo A. De Ungria, Jr.) for the benefit of Sto. Niño de Malo­los Foundation, Inc.

Sa Race 1, magandang dividendo ang hatid ng pagkakapanalo ng Fire Bull at pumanga­lawa ang Big Big Brown at naghatid ng dehado sa WTA.

Sa Race 2, naging ma­ganda ang dibidendo sa pag­kakapanalo ng Facing Di­xie nagbigay ng medyo de­hado sa daily double at forecast.

Sa Race 4, mahusay na ipinakita ng kaba­yong Hico­nicus nang pag­harian ang laban na puma­ngalawa ang Trust In Me.

Ipinakita ang husay ni Fort McKinley, sa kalaban na Okt. 14 sa Race 5. Sa Race 6 naging mahigpit ang laban na pinagwagian ng ‘Minalim’ at Casino Royale sa Race 7.

Sa Race 8 naging magan­da ang 2nd WTA sa pag­kaka­panalo ng Fire Dan­cer nang talunin ang resilient creed at rockaway. Naging maganda ang dibidendo nang sumu­nod na karera sa pagkakapanalo ng Gold Smith sa Race 9, June 11 sa Race 10 at double sunrise at Rhaegal sa Race 11 at Race 12.

Naghatid ng P3,881.60 sa 1st Pick 6 habang P30,­373.40 sa 1st WTA, P59,­233.20 sa 2nd WTA at ng P91,431.00 sa 3rd WTA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page