top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Chairman, nilikida ng 2 armadong lalaki

  • Pabs Hernandez III
  • Sep 17, 2019
  • 1 min read

North Cotabato—Isang barangay chairman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Lower Paatan, Kabacan.

Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala na si Chairman Ben Kandanganan, nakatira sa naturang barangay.

Nabatid na nakasakay sa kanyang motorsiklo si Kandanganan nang dikitan ng dalawang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Kaagad nagpalabas ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

Inaalam na ng mga tauhan ng pulisya kung may kinalaman sa alitan ng mga magkakamag-anak sa lugar ang sanhi ng krimen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page