Armadong nanlaban sa checkpoint, patay
Davao City—Napatay ang isang armadong lalaki nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagmamando ng checkpoint kamakalawa sa Bgy. Mahayag.
Kinilala ang suspek na si Basilio Abrigoso, umano’y may kasong homicide sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang nagmamando sa police checkpoint ang mga awtoridad ay napuna nila na umiwas si Abrigoso na lulan ng kanyang motorsiklo.
Dahil dito, hinabol ng mga awtoridad si Abrigoso at nang aabutan siya ay pinagbabaril nito ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments