top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

3 Chinese na takas, ipinade-deport na

Gina Pleñago
Sep 17, 2019
1 min read

Iniharap kina NCRPO Chief Major Gen. Guillermo Eleazar, VACC Chairman Dante Jimenez at ilang kinatawan ng Bureau of Immigration ang tatlong Chinese na tumakas mula sa kanilang bansa.

Sila ay kabilang sa 277 Chinese na illegal aliens na pumasok sa Pilipinas para rito magtago at takasan ang kanilang kasong kinahaharap sa kanilang bansa.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Chen Xianfeng, 42; Wang Changsen, 27, at Qin Shuxin, 24, habang patuloy pang tinutugis ang isa sa kanilang kasama na si Qi Heng, 30, na pawang may mga kaso sa kanilang bansa.

Habang ang 274 Chinese ay bina-validate at patuloy na iniimbestigahan dahil naman sa kakulangan ng kanilang mga dokumento.

Ang 274 Chinese ay kinansela na ng Chinese government ang kanilang pasaporte kaya maikukonsidera na silang illegal alien dito sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page