top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Wow, ang daming gamit, mura pa! Aspirin, pantanggal ng pimples at dandruff, pampaganda ng balat, oks

Jersy Sanchez
Sep 16, 2019
2 min read

Alam natin na ang aspirin ay nag­sisilbing ga­mot sa lagnat, panana­kit ng ngipin, ulo at kata­wan. True naman ‘yun, pero hindi lang pala ito gamot da­hil mayroon pa itong kayang gawin na tiyak na maka­tu­tu­long sa atin.

Kaya mga besh, narito ang iba pang puwedeng gawin sa aspirin:

1. PAMPAHABA NG BUHAY NG MGA HA­LA­MAN. Para gami­tin ito, tuna­win ang as­pirin sa tubig saka ibu­hos sa mga halaman. Sa ganitong paraan, manana­tiling sariwa ang mga dahon ng hala­man, gayundin, ma­mu­mulaklak ang mga ito.

2. PANTANGGAL NG MGA KALYO. Durugin ang aspirin at ihalo sa ka­unting lemon juice at tubig. Ipahid ito sa mga paa at balutin ng tuwalya at iba­bad nang 15 minuto. Pagka­tapos nito, madali mo nang mata­tanggal ang mga kalyo sa iyong mga paa.

3. NAGBABALIK NG NATURAL NA KULAY NG BUHOK. Tunawin ang walong piraso ng aspirin sa mali­gamgam na tubig. Ma­sahihin ang buhok at anit gamit ito at ibabad nang ilang minuto saka banlawan. Pag­katapos nito, makikita agad ang re­sulta sa iyong buhok.

4. PANTANGGAL NG SWEAT STAINS. Ito ‘yung mantsa na nakukuha ng da­mit mula sa pagpapawis natin. Para matanggal ito, ihalo ang dalawang piraso ng aspirin sa kalahating baso ng mainit na tubig. Ihalo ito sa tubig na panlaba at ibabad nang dalawang oras o higit pa para siguradong mawala ang sweat stains.

5. PANGGAMOT NG ACNE. Para rito, duru­gin ang ilang piraso ng aspi­rin depende sa panganga­ilangan mo. Ihalo ito sa ma­init na tubig hanggang sa ma-achieve ang ‘paste’ consis­tency. Pagkatapos, ipahid ito sa parte ng mukha na may pimples at ibabad nang 15 minuto saka banlawan gamit ang facial wash at maligam­gam na tubig.

6. MALUSOG NA BALAT. Magdurog ng li­mang piraso ng aspirin at ihalo sa isang kutsara ng ho­ney at quarter cup ng tubig. Paghaluin ito saka ipahid sa mukha, braso, kamay at binti. Ibabad ito nang 10 mi­nuto hanggang sa matuyo. Gawin ito araw-araw para maging healthy-looking ang inyong balat.

7. PANTANGGAL NG DANDRUFF. Durugin ang dalawang piraso ng aspirin at ihalo sa shampoo. I-apply sa buhok at ibabad ng ilang minuto. Pagkatapos, banla­wan ito saka mag-shampoo ulit.

8. KAGAT NG IN­SEK­­TO. Para gamiting panggamot sa kagat ng in­sekto tulad ng lang­gam o lamok, basain ang apek­tadong bahagi ng kata­wan gamit ang tubig at ipahid ang di­nurog na aspirin para mawala ang pama­maga, pamu­mula at pa­ngangati ng balat.

9. PANTANG­GAL NG MANTIKA SA UTEN­SILS. Bilang pan­tanggal ng mantika sa mga kutsara at tinidor, ihalo sa lemon juice ang dinurog na aspirin saka hugasan.

Hindi lang pala basta ga­mot ang aspirin dahil mara­mi pa itong kayang gawin. Ngayong alam n’yo na ang mga kayang gawin ng aspi­rin, make sure na hindi na kayo mawawalan nito, ha? Gayundin, malaki ang mati­tipid natin dahil hindi na natin kailangan ng branded na pampaganda ng balat, ng buhok at marami pang iba. ‘Ika nga, tipid-tipid din ‘pag may time! Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page