Public market, tinupok ng apoy
Pabs Hernandez III
Sep 16, 2019
1 min read
Aklan — Tinupok ng apoy ang Kalibo Public Market, kamakalawa.
Ayon sa ulat, pasado alas-12:00 ng hatinggabi nang sumiklab ang sunog at makalipas ang tatlong oras ay naapula ng mga rumespondeng bumbero ang apoy sa nasunog na palengke.
Inaalam na ng mga awtoridad ang halaga ng napinsala sa naganap na sunog, samantalang, wala namang naiulat na nadisgrasya sa nasabing insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang sanhi ng sunog sa palengke.





Comments