top of page
Pokwang.jpg

Misis na zero ang sex life, tamang dudang may kabit ang mister

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Frances ng Cesca_Ellia@facebook.com

Dear Professor,

Dalawang beses na akong nananaginip na may ibang karelasyon ang asawa ko at may nangyayari raw sa kanila. Tapos nu’ng nakaraan, napanagi­nipan ko na katrabaho raw niya ‘yung karelasyon niya. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Frances

Sa iyo, Frances,

Ilan taon na ba kayong nagsasama ng asawa mo? Siguro, humigit-kumulang pitong taon na kayong mag-asawa.

Alam mo, kapag ang buhay-may asawa ay umabot ng pitong taon, ang isa sa mag-asawa ay maaaring makaranas ng “seven-year itch of marriage”.

Sa panahong ito, ang selos ay nasa pinakamataas na antas, ‘yung tipong ang mga naiipong pagkakamali, pagkukulang at mga kasalanan ay parang sakit na umaatake kung saan ang mga ito ay hindi nakagugulo sa buhay ng mag-asawa.

Minsan, ang numerong seven ay puwedeng ma­ging apat o limang taon o mas maaga kung ang mga pagkakamali at pagkukulang ay sumagad na. Ito ang tunay na dahilan kung bakit maraming marriage life ang nagwawakas.

Pero alam mo, iha, gaanuman katindi ang selos, ito ay bahagi ng buhay-mag-asawa. Kaya ang pagkaka­mali, pagkukulang at kasalanan ay ganundin.

Nagseselos ka, ‘di ba? Ibig sabihin, mahal mo ang iyong asawa. Dahil dito, bilang pagtatapat sa iyo, hindi puwedeng mapabilang ka sa mga babaeng sira ang marriage life at kung may anak kayo, siya ay mapa­pabilang sa mga may broken-family. Dahil dito, huwag mong hayaang mawasak ang inyong pagsasama dahil sa selos.

Ano pa ang mga katotohanan sa likod ng iyong panaginip?

  1. Kulang ang inyong paglalambingan o romance.

  2. Kulang din ang intimate time ninyo para iparam­dam sa isa’t isa ang inyong pagmamahalan.

  3. Almost zero ang sex life mo.

  4. Ang sobra naman sa iyo ay ang pagtitiis mo sa mga pagkukulang ng iyong mister.

Ang mga ito ay hindi sapat para mag-iba ang marriage life dahil may mga paraan para muling maibalik ang tamis ng pag-ibig. Huwag kang matakot! Ayon sa panaginip, mahal ka ng asawa mo at alam niyang hindi puwedeng masira ang kanyang marriage life.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page