top of page

Kung buntis, pati baby, puwedeng madamay.. Genital warts na sanhi ng STD, tumutubo rin sa tumbong at

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Sep 16, 2019
  • 2 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Ako ay dating OFW na nagkaroon sa ibang bansa ng ‘bawal na relasyon’. Sa aking pag-uwi ay napansin ko na parang may tumubong tila kulugo sa aking ari, sobrang makati ito at napansin ko rin na parang dumarami ito. Ano ang mabisang paraan para maalis ito? Mayroon ba akong puwedeng ipahid? Nahihiya kasi akong ipa-check-up ito. Salamat! — Ana

Sagot

Ang genital warts o kulugo sa ari ay karaniwang uri ng sexually transmitted disease (STD) na dulot ng ilang uri ng human papilloma virus (HPV). Ang kulugo ay maaaring maliit lang o kasinlaki ng butil ng mais o higit pa. Dahil ito ay isang uri ng STD, ito ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik at nakaaapekto sa ari ng babae o lalaki. Ngunit, bukod sa ari, ang kulugo ay maaari ring tumubo sa rectum o tumbong o sa lalamunan sa pamamagitan ng anal o oral sex.

Sino ang maaaring magkasakit ng genital warts?

Ang mga taong aktibo sa pakikipagtalik, lalo na ‘yung may high risk behavior tulad ng pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki o babae sa kapwa babae o prostitutes ang may pinakamataas na posibilidad sa pagkakaroon ng genital warts.

May kumplikasyon ba ito kapag hindi nagamot?

Kung ang kulugo sa ari ay mapabayaan at hindi magagamot, may posibilidad na magkaroon ng kumplikasyon na makasasa­ma sa kalusugan at maaari itong humantong sa kanser. Sa kababaihan, ang pagkakaroon ng cervical cancer ay sinasabing dulot ng kumplikasyon ng genital warts. Sa mga nagbubuntis, maaaring mahirapan sa panganganak o maaaring maapektuhan ang sanggol.

Ano ang gamot sa genital warts o kulugo?

Kapag ang kulugo ay walang idinudulot na anumang kirot o sakit, maaaring hindi ito pakialaman, pero kung ito ay nagdudulot ng sintomas tulad ng pangangati, pagdurugo o pananakit, kinakailangan itong isailalim sa gamutan. Ang pagtanggal sa kulugo ay maaaring sa paraang pinapahid na gamot tulad ng imiquimod, podophyllin and podofilox at trichloroacetic acid.

Ang mga gamot na ito ay dapat isagawa lamang ng mga eksperto sapagkat may side- effects na maaaring makasama o makairita sa balat sa paligid ng kulugo. Bukod sa gamot na ipinapahid, maaari ring tanggalin ang kulugo sa pamamagitan ng ilang procedures. Maaari itong palamigin at patigasin gamit ang liquid nitrogen sa pamamagitan ng cryotherapy at puwede rin itong sunugin gamit ang kuryente o electrocautery at laser.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page